Tuesday, November 30, 2010

Saturday joy

Sa pagsapit ng ika 7 taon ng aming pagkakaibigan. Natupad na rin ang matagal na naming Christmas wish, ang paghahandong ng--Christmas joy.

3 sabado ng gift giving sa mga napiling mahihirap na pamilya, lalo na sa mga munting bata. Simpleng programa na magsimula sa Christmas story, merienda at pamamahagi ng mga regalo.
10 friends, pagkakaibigan, ang dahilan ng aming samahan at pagmamahalan.( Mr. and Mrs. Nice Brat, Rich O, My Heart, Fidodido, Eyes Baby,Cadbury Girl, Mr. and Mrs. Sweet Things at Heartbeat)

2 beloved children, si Baby Genius (anak nina Mr. and Mrs. Nice Brat) at si Little Queen (anak nina Mr. and Mrs. Sweet Things). Sila ang aming inspirasyon.
10,000.00 piso ang aming naipon mula sa potluck, pambili ng pamaskong handog.
3 full tanks of gasoline, ang mauubos sa 3 beses na Christmas joy.
3 barangay, na lubos na mahirap, nasa tabing dagat, walang ilaw, walang tubig at communication signal. Puno ng pag-asa, nais bahaginan ng munting saya.
96 espesyal na regalo ang naipon at binalot.
40 families ang napiling pagbigyan.(Isang munting parol at isang balde ng grocery)
55 kids ang ninais handugan ng mga simpleng regalo (munting laruan, payak na tsinelas at simpleng damit)
60 merienda packs, pang alis ng gutom at pandagdag aliw.

One Christmas, one friendship, one hope, one joy and one love.Thank you loving God for the gift of Christmas. For the blessings we received and for giving us generous hearts that are willing to give.

Thursday, November 25, 2010

before 5am

Rarely do we realize that we are in the midst of the extraordinary. Miracles occur all around us, signs from God to show us the way, angels plead to be heard, but we pay little attention to them because we have been taught that we must follow certain formulas and rules if we want to find God. We do not recognize that God is wherever we allow Him to enter.--By the River Piedra I Sat Down and Wept

• Foggy early morning, an atmosphere of serenity. In its silence, it creates a definition of solitude.
• Beautiful sunrise, a wonderful blend of colors. It forms a masterpiece beyond words.
• Morning road run, a passion and a routine to a wealthy life. It helps to develop a strong endurance, good health and happy disposition.
• Fresh air, cold breeze, morning dew- totally amazing.
• Blue sky, green fields, safe roads-truly a blessing.
• Company of good friends, a smile of a stranger, encouragements of by passers- definitely inspiring.
• Every time.
• Every moment.
• Every day.
• Always.


Everlasting thanksgiving and endless praises to you loving God,
for the countless miracles and immeasurable graces.
Amen.

Sunday, November 21, 2010

O


bilog ang buwan, nakakatuwa tingnan
ang kanyang liwanag bumabalot sa langit.
ika'y tumingala at nang masilayan,
ang kanyang kagandahan na kaakit-akit.

Tuesday, November 16, 2010

@17

November 9
Takipsilim pa lang naghihintay na kami ni Mr Kua sa aming mga kasama para sa isang gabi ng kwentong starbucks. Nasa silid-aralan pa si Discerning Eaglet, nowhere-to-be-found si Bebe Backless Pulis. Matapos ang maraming kwento dumating na rin ang hinihintay namin. Hay salamat!

Pagdating namin sa SB, masayang ngiti ang salubong sa amin ni Ball Dribble (may planner na sya) at ni Sweet Lakwatsero (may konting sticker na).

Sa isang bahagi ng Starbucks nagkaroon kami ng sariling mundo kung saan kami nagkakwentuhan at nagbahagi ng sarili. Naging bukas sa pagsasalaysay ng mga opinion at saloobin kasalo ang masarap na kape pati na rin si Sweet Lakwatsero na sumali sa aming kwentuhan.

Masaya ako sa gabing ito- nakinig, nagsalita at nagbahagi ng sarili. Sa aking pag-uwi baon ko ang saya na tatlong stickers na lang ang kulang at nagpapasalamat sa grasya ng mga kaibigan.

November 10

I gotta feeling that tonight's gonna be a good night
That tonight's gonna be a good night
That tonight's gonna be a good, good night


A week after the Starbucks Christmas season launch
after six memorable of coffee nights
and happy company of many good friends,
I was able to collect them all--17stickers.
Thank you Tsinitang Kulot, Bebe Backless Pulis, Mother Jasmine, Dra. Rich, Discerning Eaglet and Mr Kua for sharing with me heartwarming kwentong starbucks this Christmas season.
I am now a happy owner of 2011 Starbucks (wood) limited edition planner.
Merry Christmas coffee lovers all over the world!

Wednesday, November 10, 2010

nigHTCAlls

November 5
Sa wakas natupad na rin ang matagal na plano na magkakwentuhan habang umiinom ng masarap na kape. Sa kwentong ito kasama ko ang caffeine deprived na si Mother Jasmine at ang stress sa work na si Dra. Rich. Ang tagal na naming plano na lumabas at mag-bonding pero syempre napakalawak ng solar system ng AdNU at napakalayo ng mga planetang amin tinitirhan ngayon lang talaga nangyari na magkasama-sama kami ulit. Binalikan at sinariwa ang mga kwentong lungga at mga taong nakilala sa house of pooh. Nakakatuwa ang tagal na pala ng mga taong lumipas at ang dami na palang kwentong nangyari. Nakakaaliw at nakakamiss. May mga bagong kwento at kaganapan. May mga pagtatapos at panimula. Pero nananatili ang mga kaibigan sa init at ulan, pagtitipon at pagiisa.
Salamat Mother Jasmine sa lampas 25 taon ng pagkakaibigan. At kay Dra Rich sa 5 taon na kaibigan at ate kita. Cheers sa maraming taon ng pagsasama at maraming kwentong starbucks ng buhay natin. Yehey meron na akong 8 stickers!

November 8
Malalim na ang gabi busog na sa dinner at kwento. Habol pa, para sa kwentong starbucks. Si Discerning Eaglet lang ang kasama ko. Pero nakakaaliw na sorpresa, pag dating naming doon masayang ngiti ni Dancing Mafia at Ball Dribble ang sumalubong sa amin. Ang masaya pa, dumating din si Sweet Lakwatsero at ang kanyang mga kaibigan. Masayang kwentuhan tungkol sa buhay eskwela, sa darating na pasko, buhay pag ibig at ang masayang sticker collection moments. Walang patid na pag-uusap, malang humpay na tawanan. Eto yung sorpresang starbucks kwento na akala ko isa lang ang makakasalo pero naging super saya kasi marami kami. Sana maulit muli. 11 stickers na ako 6 na lang bago dumating ang planner ko.

"friends are like snowflakes all different and all beautiful"--starbucks xmas

Thursday, November 4, 2010

52 days

Christmas Season @ Starbucks.
Nabago na ang white paper cups.
Nandyan na ulit and starbucks Christmas drinks.
Pwede na uli ang holidays food variety.
At simula na ng Starbucks sticker collection moments.


November 3

Kwentong starbucks kasama si Tsinitang Diwata. First time niya dito. As usual masaya siyang kasama. Usapang puso. Kwentong pamilya. Pagbigkas ng mga pangarap. Masaya ako na naging malalim ang aming kwentuhan. Mas narinig ko ang lungkot at saya sa likod ng kanyang mala-angel na tinig. Mas nakita ko ang pait at kislap ng kanyang mga mata sa harap ng lente ng kamera. At mas naunawaan ko ang hiwaga ng kanyang pagkatao at puso. Salamat sa pagkakataon na makagawa kami ng kwentong Starbucks habang iniinom ang masarap na toffee nut latte and peppermint mocha at dahil dyan meron na akong 2 stickers.

November 4

Matapos ang maraming kwentuhan, mahabang paglalakad at 2 beses na dinner nakarating din kami sa Starbucks. Toffee nut latte uli sa akin, Café latte sa first timer na si Discerning Eaglet at Iced chocolate para kay Bebe Backless Pulis. Usapang trabaho. Kwentong mundo. Tawanan sa bloopers. Crazy ideas. Pati ambiance lugar at lasa ng kape napag-usapan. Mga huling gabi na ito ng social life bago maging busy ang lahat. Ang sarap ng kwentuhan lalo na kapag exchange gifts at Christmas wish list na ang usapan. Bago pa maghating-gabi kami ay naglakad na pauwi. Masaya ako sa day 2 ng Starbucks Christmas season, 5 stickers na ako 12 to go.

Bukas ulit. Sana ikaw na ang kasama ko :-)

Thursday, October 28, 2010

waiting shed

Ilang beses na ba akong tumayo
at nanatili pansamantala dito?
Nagbakasakali na may dumaaang sasakyan
patungo sa paroroonan
at meron pang bakanteng upuan.

Gaano ba katagal?
Anong sasakyan kaya?
Alin kaya mauna?
Saan kaya ang punta?


Ang daming pwedeng pag pilian--
Sasakay na ba ako sa unang dumaan?
o mag babakasakaling maghintay
baka mas maganda ang sunod na dadaan?
Sa pagmamadali at paghahabol ng oras--
Sasakay na ba ako kahit puno
at matitiyagang magbyahe ng nakatayo?
o manatiling maghintay sa susunod na sasakyan
baka may bakanteng upuan?
Sa paglalakbay at paglandas ng daan--
Patungo sa paroroonan
Ayos lang ban a mag isa
o mas mainam na man kasama?


okey lang ako dito sa waiting shed ng buhay,
ingat ka din sa iyong paglalakbay.
kita tayo sa buwan, angel gabriel.

Tuesday, October 19, 2010

312


sa umaga na mga ulap ang bumabalot sa kalawakan,
hindi mapigil ang pagluha ng kalangitan,
at ang sinag ng araw ay kay hirap masilayan--
sapat na ikaw ay nariyan.

Wednesday, October 13, 2010

haNDSHake

Mga ngiti dahil sa sorpresa.
Hand shake.
Ikaw nga ba yan?
Bumalik ka nga.
Nandito ka uli!
Naalala ko yung kwento natin--
Labis dalawang taon.
Tayo ay naging malapit na magkaibigan.
Magkasalo madalas sa hapag-kainan
Breakfast buddy.
Lunch mate.
Dinner partner.

Magkasama sa social life
Countless coffee cups and bottomless stories
Summer escapades and fun-filled adventures
Parties at gimiks
SMB nights at lakwatsa

Tunay na magkaibigan
Kahati sa workload
Kasalo sa stress
Kasabay sa celebration
Kasama sa experiences
sa lahat ng bagay
madalas buong oras

magkaibigan, ikaw at ako.

Labis tatlong taon--

Hindi tayo nagpansinan.
Malaking gap at malawak na space.
May mga sariling mundo at walang pakialam sa bawat isa.
Magkaibang prinsipyo, mataas na pride at kumplikadong kwento.
Ngayon--
Masaya ako na makasama kang muli.
Maulit ang malalim na pagbabahagi ng mga kwento ng buhay natin.
Ang pakikinig, ang pagdamay at pananatili
Magkasalo sa hapag kainan.
Makasama sa coffee story.
Magkaibigan muli, ikaw at ako.

Sobrang namiss ko ang ganito.

Saan ka man dalhin ng mga pangarap mo hangad ko na maging masaya sa mga biyaya ng buhay. Nawa’y lalo kang maging kontento sa pag-ibig at mabuhay ng maligaya at nagmamahal.Sana manatili tayong magkaibigan, walang iwanan gaano man magkaiba ang ating mga prinsipyo at paninindigan.
Salamat sa muling pagbabalik
at muling pananatili, computer wizard.


Sa dalawang buwan na nandito ang starbucks sa naga, ang kwentong starbucks natin ang pinakamasaya.

Tuesday, October 12, 2010

3muskicheers

Madilim ang langit pero kadiliman na walang galit. Masaya ang buwan ngayon. Hindi siya nag-iisa, kasama niya ang tatlong tala. Mukhang may plano ang barkada, saan kaya ang gimik nila?
Masaya ang buwan, maligaya ang kalawakan. Natawa ako. Pinagmasdan ko ang tapat ng langit kung saan ako nakaupo, may tuwa rin dito, espesyal pa kasi kasama ko ang 3 muskicheers ngayon.

Si dancing mafia. Astig ang porma niya ngayon. Matagal ko na siyang kaibigan. Hindi pa rin siya nagbabago ang dami ng kwento at hataw sa joke. Kapag siya ang kasama protektodo at walang lumbay moment. Ipagtatanggol ka sa mga mang-aapi at ‘di ka iiwan. Madami siyang alam gawin-jack of all trade. Aliw siyang kakwentuhan pati sa asaran. Yun nga lang, tamad sya mag jogging pero mukhang foreigner na runner. Dalawa ang pinakakinatatakutan niya ang magutom at 'di makakain.
Si mysterious nerdy. Gana kid gonna grow siya ngayon, food trip, kasi meron daw siyang flu (weird ano?).Simpleng may sipa, tipong nice guy at misteryosong snob. Apo siya ni Einstein at by the looks-artistahin. Masaya siyang kausap well read, bottomless na trivia at nakakaliw ang kanyang mga weird ideas. Siya ‘yung tipo ng tao na handang maging totoo sa sarili kahit sabihin pang kakaiba sa karamihan, lubos lang talaga syang malalim at may sense. Madami siguro kaming pagkakaiba perong tuwa ako sa kaibigan kong ito kung ‘di lang ako nauna ipinanganak ng ilang taon pwede kaming maging kambal.

Si running warrior. Gaya ng dati-- totoy bibo, trying hard mag joke, di bihasa sa math pero certified crowd’s favorite. Dami nitong fans, crush ng bayan. Dedicated na kakampi at kasama sa lahat ng bagay. All the time karamay at kasabay sa alon, ulan, buwan at sunshine ng buhay. Magkasundo kami kasi marami kaming halos parehong ugali. May lalim din ito, may babaw at palaging ‘di mawawala ang semplang. Road run buddy ko at consistent running mate. Kapag siya ang kasama pwede kahit walang plano, kahit may bloopers basta masaya okey na. Isa siyang mabuting kaibigan, hiling ko na matugunan na ang lahat niyang dasal.
3 muskicheers, katulad ng tatlong tala, tatlong larawan ng ng mga tunay na kaibigan. Gaya ng buhay mapalad ako nasa kalawakan ng mundo nakasama ko silang tatlo. Maligaya ang araw na ito, sumasayaw sa musika ang akin puso.
Tumingala ako sa langit, sa aking ngiti naguhit ang pasasalamat para mga tala na kumukutitap sa gabi ng buhay.