Madilim ang langit pero kadiliman na walang galit. Masaya ang buwan ngayon. Hindi siya nag-iisa, kasama niya ang tatlong tala. Mukhang may plano ang barkada, saan kaya ang gimik nila?
Masaya ang buwan, maligaya ang kalawakan. Natawa ako. Pinagmasdan ko ang tapat ng langit kung saan ako nakaupo, may tuwa rin dito, espesyal pa kasi kasama ko ang 3 muskicheers ngayon.
Si dancing mafia. Astig ang porma niya ngayon. Matagal ko na siyang kaibigan. Hindi pa rin siya nagbabago ang dami ng kwento at hataw sa joke. Kapag siya ang kasama protektodo at walang lumbay moment. Ipagtatanggol ka sa mga mang-aapi at ‘di ka iiwan. Madami siyang alam gawin-jack of all trade. Aliw siyang kakwentuhan pati sa asaran. Yun nga lang, tamad sya mag jogging pero mukhang foreigner na runner. Dalawa ang pinakakinatatakutan niya ang magutom at 'di makakain.
Si mysterious nerdy. Gana kid gonna grow siya ngayon, food trip, kasi meron daw siyang flu (weird ano?).Simpleng may sipa, tipong nice guy at misteryosong snob. Apo siya ni Einstein at by the looks-artistahin. Masaya siyang kausap well read, bottomless na trivia at nakakaliw ang kanyang mga weird ideas. Siya ‘yung tipo ng tao na handang maging totoo sa sarili kahit sabihin pang kakaiba sa karamihan, lubos lang talaga syang malalim at may sense. Madami siguro kaming pagkakaiba perong tuwa ako sa kaibigan kong ito kung ‘di lang ako nauna ipinanganak ng ilang taon pwede kaming maging kambal.
Si running warrior. Gaya ng dati-- totoy bibo, trying hard mag joke, di bihasa sa math pero certified crowd’s favorite. Dami nitong fans, crush ng bayan. Dedicated na kakampi at kasama sa lahat ng bagay. All the time karamay at kasabay sa alon, ulan, buwan at sunshine ng buhay. Magkasundo kami kasi marami kaming halos parehong ugali. May lalim din ito, may babaw at palaging ‘di mawawala ang semplang. Road run buddy ko at consistent running mate. Kapag siya ang kasama pwede kahit walang plano, kahit may bloopers basta masaya okey na. Isa siyang mabuting kaibigan, hiling ko na matugunan na ang lahat niyang dasal.
3 muskicheers, katulad ng tatlong tala, tatlong larawan ng ng mga tunay na kaibigan. Gaya ng buhay mapalad ako nasa kalawakan ng mundo nakasama ko silang tatlo. Maligaya ang araw na ito, sumasayaw sa musika ang akin puso.
Tumingala ako sa langit, sa aking ngiti naguhit ang pasasalamat para mga tala na kumukutitap sa gabi ng buhay.
1 comment:
masaya akong naiinggit sa blog na to.. kakainis din kasi di ako kasama sa kwntuhan.. hay.. naramdaman ko tuloy na mag isa lang talaga ako dito..
memorize ko na ata ang bawat hakbang ng mga paa ko pauwi.. memorize ko na rin ata ang bawat buntong hininga ko tuwing naglalakad mag isa..
pero ok na din.. at least, may mga natututunan din ako patungkol sa aking sarili...
iyakap ako kay dancing mafia,at running warrior.. isali mo na din si mysterious nerdy.. (hehe, naalala ko tuloy yung university ball dance..) haha...
Post a Comment