Wednesday, October 13, 2010

haNDSHake

Mga ngiti dahil sa sorpresa.
Hand shake.
Ikaw nga ba yan?
Bumalik ka nga.
Nandito ka uli!
Naalala ko yung kwento natin--
Labis dalawang taon.
Tayo ay naging malapit na magkaibigan.
Magkasalo madalas sa hapag-kainan
Breakfast buddy.
Lunch mate.
Dinner partner.

Magkasama sa social life
Countless coffee cups and bottomless stories
Summer escapades and fun-filled adventures
Parties at gimiks
SMB nights at lakwatsa

Tunay na magkaibigan
Kahati sa workload
Kasalo sa stress
Kasabay sa celebration
Kasama sa experiences
sa lahat ng bagay
madalas buong oras

magkaibigan, ikaw at ako.

Labis tatlong taon--

Hindi tayo nagpansinan.
Malaking gap at malawak na space.
May mga sariling mundo at walang pakialam sa bawat isa.
Magkaibang prinsipyo, mataas na pride at kumplikadong kwento.
Ngayon--
Masaya ako na makasama kang muli.
Maulit ang malalim na pagbabahagi ng mga kwento ng buhay natin.
Ang pakikinig, ang pagdamay at pananatili
Magkasalo sa hapag kainan.
Makasama sa coffee story.
Magkaibigan muli, ikaw at ako.

Sobrang namiss ko ang ganito.

Saan ka man dalhin ng mga pangarap mo hangad ko na maging masaya sa mga biyaya ng buhay. Nawa’y lalo kang maging kontento sa pag-ibig at mabuhay ng maligaya at nagmamahal.Sana manatili tayong magkaibigan, walang iwanan gaano man magkaiba ang ating mga prinsipyo at paninindigan.
Salamat sa muling pagbabalik
at muling pananatili, computer wizard.


Sa dalawang buwan na nandito ang starbucks sa naga, ang kwentong starbucks natin ang pinakamasaya.

5 comments:

Ako Si Nikki said...

aba.. naiintriga tlaga ako kay computer wizard ah..

hmmm.. a very special friend...

pinakamasaya palang starbucks ah..

yeee!!!

Ako Si Nikki said...

pero masaya ako na bagamat sa mahaba habang panahon ay di kayo nag uusap, mas nanaig ang tunay na pagkakaibigan..

dahil dito,
naisip ko din na baka nga,
hindi man maibalik ang dati,
magiging isang kaibigan pa rin ang taong minsan ay nagbigay saiyo ng lahat ng dahilan para ngumiti at imulat ang mata sa bawat pagsikat ng araw..

heartbeats* said...

magkaibigan, siya at ako
parang tayo.

magkaibigan noon
naging hindi (pansamantala)
naging magkaibigan ulit.
(sana nga... sana nga)

shexplanation said...

si ano ba yan ate, yung sinabi mong di kayo pareho ng likes?

nakakagaan ng loob basahin ang mga entry nyo. haist.

heartbeats said...

myloves, hindi sya yung nakwento ko sa'yo. at iba din ang kwento namin.
si comuter wizard, kaibigan ko talaga at malapit sya sa puso ko.