Thursday, November 4, 2010

52 days

Christmas Season @ Starbucks.
Nabago na ang white paper cups.
Nandyan na ulit and starbucks Christmas drinks.
Pwede na uli ang holidays food variety.
At simula na ng Starbucks sticker collection moments.


November 3

Kwentong starbucks kasama si Tsinitang Diwata. First time niya dito. As usual masaya siyang kasama. Usapang puso. Kwentong pamilya. Pagbigkas ng mga pangarap. Masaya ako na naging malalim ang aming kwentuhan. Mas narinig ko ang lungkot at saya sa likod ng kanyang mala-angel na tinig. Mas nakita ko ang pait at kislap ng kanyang mga mata sa harap ng lente ng kamera. At mas naunawaan ko ang hiwaga ng kanyang pagkatao at puso. Salamat sa pagkakataon na makagawa kami ng kwentong Starbucks habang iniinom ang masarap na toffee nut latte and peppermint mocha at dahil dyan meron na akong 2 stickers.

November 4

Matapos ang maraming kwentuhan, mahabang paglalakad at 2 beses na dinner nakarating din kami sa Starbucks. Toffee nut latte uli sa akin, Café latte sa first timer na si Discerning Eaglet at Iced chocolate para kay Bebe Backless Pulis. Usapang trabaho. Kwentong mundo. Tawanan sa bloopers. Crazy ideas. Pati ambiance lugar at lasa ng kape napag-usapan. Mga huling gabi na ito ng social life bago maging busy ang lahat. Ang sarap ng kwentuhan lalo na kapag exchange gifts at Christmas wish list na ang usapan. Bago pa maghating-gabi kami ay naglakad na pauwi. Masaya ako sa day 2 ng Starbucks Christmas season, 5 stickers na ako 12 to go.

Bukas ulit. Sana ikaw na ang kasama ko :-)

2 comments:

shexplanation said...

sana makasama rin kita sa isang kwentong starbucks :)

Ako Si Nikki said...

aba.. nag coucount down na for christmas.. malapit na nga pala...

di ko alam kung kaya ko mag starbucks.. haha.. pero yan, alam kong makukumpleto mo ang stickers mo..