November 5
Sa wakas natupad na rin ang matagal na plano na magkakwentuhan habang umiinom ng masarap na kape. Sa kwentong ito kasama ko ang caffeine deprived na si Mother Jasmine at ang stress sa work na si Dra. Rich. Ang tagal na naming plano na lumabas at mag-bonding pero syempre napakalawak ng solar system ng AdNU at napakalayo ng mga planetang amin tinitirhan ngayon lang talaga nangyari na magkasama-sama kami ulit. Binalikan at sinariwa ang mga kwentong lungga at mga taong nakilala sa house of pooh. Nakakatuwa ang tagal na pala ng mga taong lumipas at ang dami na palang kwentong nangyari. Nakakaaliw at nakakamiss. May mga bagong kwento at kaganapan. May mga pagtatapos at panimula. Pero nananatili ang mga kaibigan sa init at ulan, pagtitipon at pagiisa.
Salamat Mother Jasmine sa lampas 25 taon ng pagkakaibigan. At kay Dra Rich sa 5 taon na kaibigan at ate kita. Cheers sa maraming taon ng pagsasama at maraming kwentong starbucks ng buhay natin. Yehey meron na akong 8 stickers!
November 8
Malalim na ang gabi busog na sa dinner at kwento. Habol pa, para sa kwentong starbucks. Si Discerning Eaglet lang ang kasama ko. Pero nakakaaliw na sorpresa, pag dating naming doon masayang ngiti ni Dancing Mafia at Ball Dribble ang sumalubong sa amin. Ang masaya pa, dumating din si Sweet Lakwatsero at ang kanyang mga kaibigan. Masayang kwentuhan tungkol sa buhay eskwela, sa darating na pasko, buhay pag ibig at ang masayang sticker collection moments. Walang patid na pag-uusap, malang humpay na tawanan. Eto yung sorpresang starbucks kwento na akala ko isa lang ang makakasalo pero naging super saya kasi marami kami. Sana maulit muli. 11 stickers na ako 6 na lang bago dumating ang planner ko.
"friends are like snowflakes all different and all beautiful"--starbucks xmas
No comments:
Post a Comment