Thursday, October 28, 2010

waiting shed

Ilang beses na ba akong tumayo
at nanatili pansamantala dito?
Nagbakasakali na may dumaaang sasakyan
patungo sa paroroonan
at meron pang bakanteng upuan.

Gaano ba katagal?
Anong sasakyan kaya?
Alin kaya mauna?
Saan kaya ang punta?


Ang daming pwedeng pag pilian--
Sasakay na ba ako sa unang dumaan?
o mag babakasakaling maghintay
baka mas maganda ang sunod na dadaan?
Sa pagmamadali at paghahabol ng oras--
Sasakay na ba ako kahit puno
at matitiyagang magbyahe ng nakatayo?
o manatiling maghintay sa susunod na sasakyan
baka may bakanteng upuan?
Sa paglalakbay at paglandas ng daan--
Patungo sa paroroonan
Ayos lang ban a mag isa
o mas mainam na man kasama?


okey lang ako dito sa waiting shed ng buhay,
ingat ka din sa iyong paglalakbay.
kita tayo sa buwan, angel gabriel.

2 comments:

shexplanation said...

mananatili ka lang sa waiting shed?

may related akong message para dyan.
sabi, sa bawat biyahe ng buhay,
di natin alam kung sino ang maaaring makasama natin sa bawat biyahe.

maaaring ang mga nakakasabay mo sa biyahe ay maunang bumaba at naturingang nasa kanilang paroroonan na. maaaring may makasakay ka na pareho sa pupuntahan mo. maaaring ikaw ang unang bumaba at piliing iwan ang mga taong nakasama sa biyahe.

makes sense? hehehe

heartbeats said...

sa tamang panahon sasakay din ako
at malayang maglalakbay patungo
sa ulap ng kaligayahan--
kapiling ang mga bituin at
ang paborito kong buwan...