Tuesday, August 9, 2011

7175

You can reach me by railway, you can reach me by trail way
You can reach me on an airplane, you can reach me with your mind
You can reach me by caravan, cross the desert like an Arab man
I don't care how you get here, just- get here if you can
You can reach me by sailboat, climb a tree and swing rope to rope
Take a sled and slide down the slope, into these arms of mine
You can jump on a speedy colt, cross the border in a blaze of hope
I don't care how you get here, just- get here if you can
**There are hills and mountains between us
Always something to get over
If I had my way, then surely you would be closer
I need you closer (interlude, then repeat bridge)
You can windsurf into my life,
take me up on a carpet ride
You can make it in a big balloon,
but you better make it soon
You can reach me by caravan,
cross the desert like an Arab man
I don't care how you get here,
just- get here if you can
I don't care, I don't care,
I need you right here right now
I need you right here, right now,
right by my side (yeah,yeah, yeah, yeah)
I don't care how you get here, just- get here if you can

sa tuwing naririnig ko ang awiting ito, ikaw ang naaalala ko. August din yun di ba? ilang August na rin ang lumipas, pero sa kantang ito ikaw pa rin ang himig ko. sana patuloy kang maging masaya at walang sawang yakapin ang kahulugan ng buhay at tunay na pag-ibig. salamat sa lahat, hayaan mo balang-araw makikita rin tayo.

Friday, July 22, 2011

young l♥ve

Gaya ng dati, pagtunog ng kampana sa dapit-hapon
ang aking mga yapak ay unti-unting tinatahak ang daang palagian ng binabaybay.
Patungo kung saan umaawit ang kampana, sa Kanyang dambana.
Kaunti ang mga tao sa simbahan, tahimik at taimtim ang mga dasal.
Bago magsimula ang pagdiriwang, nakuha ang aking pansin ng isang batang lalaki
na mag-isang naglakad papasok at umupo sa unahan.
Siguro siya ay mga walong taon gulang at pula ang Tshirt nya (baka birthday).
Habang nagmimisa, nandoon din sya sa isang sulok ng simbahan, nakikilahok sa Sakramentong banal.
Sa aking pag-iisa napangiti ako ng makita ko siyang pumila sa pagkumonyon, may saya sa aking damdamin ang masilayan siyang lumuhod at seryosong nananalangin.
Sa aking pagdarasal aking nabanggit, Panginoon, pakinggan Mo po ang panalangin ng batang ito. Sana sa bawat sandali ng kanyang buhay maramdaman niya ang Iyong pagmamahal at yakapin niya ito ng buo.
Nang matapos ang misa, sinundan ko siya ng tanaw habang palabas ng simbahan.
Inaabanagan ko na lalapit siya sa kanyang nanay o sinuman ang kasama niya, pero humanga ako lalo ng makita ko siyang sumusipul-sipol palabas ng simbahan papunta sa gate, walang kasabay.
Muli kong nabanggit sa king sarili, Lord salamat ha, sa muling pagpapaalala, na ang pagmamahal mo sa akin at ganoon din sa iba. Masaya ako na makita yun ngayon, sa mukha ng isang bata.

Wednesday, July 13, 2011

*hugs*


salamat sa mga mata,
na nag magmulat sa akin sa kagandahan ng mundo.
salamat sa pang-amoy,
na naging daan upang malanghap ang halimuyak ng hangin.
salamat sa pandinig,
na naging tulay upang marinig ang saliw ng musika.
salamat pakiramdam,
na nagpadama sa akin ng tibok ng aking puso.
salamat Panginoon
sa mga biyayang pinagkaloob mo sa akin
at sa paglikha ng aking pag-katao upang maging Sa'yo.

thank you for the everyday miracles and angels
love mo talaga ako Lord,
at love din kita.
*HUGS*

(prayer 07.13.11., 5pm mass, Christ the King Churc, AdNU)

Thursday, July 7, 2011

112


hello sunshine...
hindi mo lang (siguro) alam
kung gaano mo ako napapasaya
sa mga simpleng bagay
sa ordinaryong pag-uusap
sa nakasanayang ugnayan
tuwa talaga ang dulot mo sa akin
pati kilig na rin
kaya ang puso ko nakangiti
at tila may kakaibang kiliti
ang humahaplos sa aking damdamin
sa tuwing iisipin ko na ika'y nariyan
salamat ha...
(hanggang sa muli ha ♥♥♥)
toinks!

Monday, June 27, 2011

exempted

ang qualifications, standards at ideals
ay para lang sa taong
'di mo gusto, ayaw gustuhin at disqualified
kasi pag nag love ka
'di na yun applicable
kasi yung taong mahal mo
siya yung exempted at may immunity
sa standards, ideals at qualifications...

Friday, June 24, 2011

006


(message alert tone)
another rainy day.
how are you.
keep dry.
be safe.
take care.
i miss you.


weeeh...
don't worry i'm okey here.
para ring binabagyo ang puso ko
sa kilig dahil sa text mo
thank you

Tuesday, June 21, 2011

another sunday's best


(late post)
among all the great blessings
God allowed me to have
you are one the greatest...

i am deeply loved and
my life is happy
because
you are my daddy...

happy father's dad
♥♥♥

Friday, June 17, 2011

green


tapos na ang summer, nandito na ang tag-ulan.
kulay berde na ang paligid
hay...
naaalala kita
kumusta ka na kaya?
tagal na nating 'di nagkikita
'di na mabilang na dapit-hapon
ganun din na bukang-liwayway...
kelan kaya tayo muling magkakatagpo?
pangarap na--
masilayan ang iyong mukha
masabayan ang iyong mga tawa
makasalo sa hapag-kainan
makakwentuhan ng walang katapusan
malasing ng sabay
maglaitan ng walang sawa
damayan sa iyakan
kasabay magsimba
mangarap sa ilalim ng buwan

hay…
ilang taon na ba?
gaano katagal pa kaya?

Kay ganda ng buwan ngayong gabi
Sana napagmamasdan mo rin...
Sabi ko nga sa buwan--
Ngitian ka ng buong tamis at ibulong sa’yo
“miss na kita green lantern”
♥♥♥

Tuesday, June 14, 2011

5pm

Sa paglubog ng araw sa dapit-hapon
hayaan ang mga yapak tumungo sa isang sulok ng mundo
upang magnilay at magdasal
sa katahimikan, damhin ang pagmamahal...

Sa malaking silid dasalan
sa hanay ng mga upuan
kagaya ng mga nakaraang araw--
ikaw ay naroon
nag-iisa sa gitna ng karamihan...

Pinagmamasdan kita
habang ikaw ay
taimtim na nagdarasal
ng may malalim na pagmamahal;
binubulong kay Kristo
ang tibok ng iyong puso...

Tapos na ang misa
lumingon uli ako
sa kinaroroonan mo
sa aking isipan...
nasabi ko sa'yo--
bukas uli ha

Gusto kitang makilala.
Kelan kaya yun?
Sana bukas na...

curious lang ako
kung sino ka?
at baka sakaling gusto mo maging--
Heswita...
hehehe

[para kay Praying Alone, isa sa mga regular 5pm mass goer sa Christ the King Church. Kukuha lang ako ng tyempo, para magpakilala sa'yo.)

Wednesday, June 8, 2011

007

Today marks my 7th year in the Ateneo....
work and friends
• Joy at work comes from the humble reality that I am one of those who help in the formation of men and women who are Christ-centered, Competent, Persons of Conscience and Compassionately committed to change.
• Co -workers here are not just colleagues but also friends, who journey with me every day. They share in my difficulties and multiply my happiness. They are my support system equally strong as the four pillars.
lessons and wisdom
• Formation work is a continuous journey to be better and to give more, that in doing so, I do not just learn cognitive ideas and useful skills but also important life lessons and more, I come to embrace how to be truly human.

joys and struggles
• The joys that I have are the happy memories that I treasure in my heart--the blessing of good friends, the opportunity to serve and the chance to share in the mission of working for the Primum Regnum Dei.
• The struggles made me more aware of the stirrings within, they taught me to be more discerning, to always decide in freedom and clean conscience.
love and consolations
• Love is fire that lights my passion. It is the air that sustains me. The reason that moves me.
• My heart is grateful for the consolations, graces, blessings and beyond that I received, they are more than what I prayed for.
a journey to magis
My pledge is to embrace life fully and walk in the path, the way and manner that will lead me to the purpose, meaning and reason of my life, my God.
+amdg+
In thanksgiving, I say, to God be the glory.