Tuesday, June 14, 2011

5pm

Sa paglubog ng araw sa dapit-hapon
hayaan ang mga yapak tumungo sa isang sulok ng mundo
upang magnilay at magdasal
sa katahimikan, damhin ang pagmamahal...

Sa malaking silid dasalan
sa hanay ng mga upuan
kagaya ng mga nakaraang araw--
ikaw ay naroon
nag-iisa sa gitna ng karamihan...

Pinagmamasdan kita
habang ikaw ay
taimtim na nagdarasal
ng may malalim na pagmamahal;
binubulong kay Kristo
ang tibok ng iyong puso...

Tapos na ang misa
lumingon uli ako
sa kinaroroonan mo
sa aking isipan...
nasabi ko sa'yo--
bukas uli ha

Gusto kitang makilala.
Kelan kaya yun?
Sana bukas na...

curious lang ako
kung sino ka?
at baka sakaling gusto mo maging--
Heswita...
hehehe

[para kay Praying Alone, isa sa mga regular 5pm mass goer sa Christ the King Church. Kukuha lang ako ng tyempo, para magpakilala sa'yo.)

4 comments:

wisdom tooth said...

Bawat isa ay talagang tinalagaan ng Diyos ng anghel, hindi lang para magmasid, merong ibang gumagawa pa ng tula, hahahaha...

heartbeat* said...

hahahaha
parang ikaw din dun sa LAGLAG...

Ako Si Nikki said...

ay wow.. dai ko man gusto ang style.. hehe..

kung sabagay, kasali palan yan sa bago tang status..

ayusun mong maray ha.. ta kung dai, ibabagsak ta ka...

MYAngligaw, SF

H said...

kausapin na natin.... :D