Ang puso na may wagas na pag-ibig at tunay na nagmamahal hindi napapagod. Handa nitong ipagdiwang ang lahat ng bagay nang mapagpalaya at hindi makasarili. Bukas na magtaya sa kaligayahan at pagkalubos ng kabuunan ng minamahal. Hindi ito manhid sa pagsakit at paghihirap subalit sa kadakilaan ng pagmamahal may lakas ito at tiwala. Tanggap na ang kapalaran ng pagmamahal at nasa kamay ng Bathala at ang gawa ay nasa pagbibigay ng buong sarili sa minamahal. Nagnanais ito ng paglago ng pagkatao, paglalim ng pananaw sa buhay at pagyakap ng buo sa damdamin.
Marami ang nagnanais at naghahagad ng tunay na pag-ibig, ngunit minsan, ito ay mailap. Marahil kailangan talagang maghintay, magpagod at magtiyaga upang maging kapakipakinabang at nararapat sa espesyal na biyaya.
2 comments:
hai.. tama.. tama.. i am all smiles reading this..
napagod man ang puso. nasaktan man ito. pinili pa rin na manatili at magmahal ng lubos. hindi man ito buo, nararamdaman ko ang bawat ngiti nito sa mga araw na dumadaan. hindi man ito buo, nananatiling tapat sa naging sinumpaan.
hindi man ito buo,
alam ko,
hindi ko kailangan
ang heart transplant..
kay Bathala natutong magmahal,
kay Bathala natutong magpalaya,
kay Bathala patuloy na magtitiwala..
hai..
eat.
pray.
run.
and love.
and love again.
:)
no words for now. just this:
=)
Post a Comment