andyan ka na naman
parang kaylan lang
minsan ka lang mawala
pero bakit parang
nakakamiss ka bigla.
sana 'wag naman masanay
kasi...
alam mo na,
kumplikado ang mga bagay-bagay.
pero sa kahit anong paraan mo
palagi kang wagi
lagi mo akong napapangiti.
[inspirasyon mula sa mga ngiti ni Bb. Chi Na Ey]
1 comment:
oo nga
minsan lang nawala
pero nakakamiss na ♥
Post a Comment