Tuesday, September 21, 2010
Whowebliss 1
Umagang kay ganda
16th.ix.2010y
Wala na sigurong tatamis pa sa regalong ngiti na mula sa isang paslit.
Wala nang iinit pa sa yakap ng isang bata.
Nang pumunta ako sa isang espesyal tahanan handa ako na magbahagi ng oras at sarili.
...Sa pakikipag laro at pakikipag kwentuhan.
...Sa pakikipag usap at pakikinig.
...Sa pagbibigay at pakikibahagi.
Ngunit ang biyaya ng Maykapal ay hindi lamang para sa hangaring magbukas ng sarili sa pagbibigay ngunit mas lalo pa sa pagpapakumbaba ng pagtanggap.
Salamat mumunting anghel,
...sa mga ngiti na walang katulad.
...sa paghawak sa aking kamay habang kayo ay kasabay maglakad.
...sa pagyakap ng walang kasing higpit ng hawak ko kayo sa aking bisig.
Dalangin ko na sana sa bawat pagsikat ng araw ay lalo ninyong maramdaman ang pagmamahal ng Maylikha, ng inyong mga taga pag-alaga, mga kasama, mga bisita at higit sa lahat ng inyong pamilya.
[a reflection after spending the whole morning at Queen of Peace Orphanage,
AdNU Peñafrancia Tercentenary Outreach Activities, September 2010]
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment