[15th.IX.2010y]
3:00am Travel time to Lago del Rey,CWC. Sabi nga “talo ng maagap ang masipag.” Ganoon din kaya sa marathon? Masaya pala ang pakiramdam na pagmasdan ang tahimik na mundo dahil tulog pa ang mga tao.
3:30am Rain at dawn. Sumilong sa kubo at simulan ang kwento. Kakatuwa naman kahit magdamag ang duty si kuya guard ay bibung-bibo, dami ng kwento.
5:00am Wala na ang ulan, stretching stunts exhibition na. Stretching doon stretching dito.
5:30am Simulan na ang takbuhan. Huminga ng malalim langhapin ang sariwang hangin. Ihakbang ang mga paa sa finish line ang punta. Maraming overtakes na ba? Hayaan mo sila. Ilang hakbang na lang kumpleto na ang required rounds. Home run! This is really fun!
6:15am Yohoo! Lakad na, pang relax ng paa. Muling daanan ang tinakbong daan.
6;30am Retouch. Banana festival-pampalakas, pampalusog. Pang-iwas sa cramps. Happy fruit. Gana kid gana grow. Busugin ang sarili at magpakalunod sa kwento. Kung may bloopers ang buhay pagtawanan lang at sikaping maging snappy kung medyo lg, talagang lugi.
7:30am Uwian na. Practice lang pala akala ko marathon na ito. Tara na at may trabaho pa tayo.
Maaga pa pero sulit na ang araw—maligayang MERRYercoolest. Good morning sunshine!
2 comments:
aba aba.. talagang seryoso ang preps.. hmm.. natatawa ako..
may banana festival din pala kayo.. pare pareho pala tayo.. hopefully it pays off talaga..
so pano, see you sa finish line?
oo seryoso na ata talaga ito.
hahaha...
kami lang ang banana festival--yung may dala ng banana tumatakbo pa..nagutom yung naghihintay sa finish line...
eyes on the finish line... see you there... 5 days to go!
Post a Comment