Thursday, September 23, 2010

Whowebliss 2

Espesyal na hapon
[16th.ix.2010y]

Ay naku! simula pa lang parang may habulan. Bakit ang bilis ng sasakyan?

Nang aking nasilayan ang lugar na pupuntahan ako ay natuwa—parang na miss ko ang ganitong lugar. Parang minsan sa buhay ko nasanay ako sa tanawing ganito. Naalala ko ang mga makulay at masayang baguio days.

Espesyal nga talaga ang araw na ito kasi sa aming pagdating may kasama kami—ang Mahal na Ina.

May ligaya sa aking puso na makita ang mga naka uniform, tahimik na nakikinig sa programa habang ang kanilang mga pamilya ay nasa isang bahagi ng malaking kubo na kung tawagin nila ay palasyo. Ang buong lugar ay nabalot ng panalangin, pagbabahagi, pagninilay at taimtim na pagdarasal.

Pagkatapos ay namahagi na ng munting regalo sa mga tatay na cafgu ay nagpalaro sa mga bata. Ang saganang merienda aynaghihintay sa hapag kainan upang pagsaluhan.
Muli ang lahat ay nagtipon para sa isang prusisyon. Habang nasa daan, taimtim na dalagin ang sumabay sa aming mga hakbang. Ang sabayang paghawak sa bawat butil ng rosaryo ang hudyat ng bawat pagbigkas ng mga kataga ng panalangin. Ang awit na akapela ang nagduyan sa aming mga dasal patungo sa langit, salat man sa himig ng musika alam ko na narinig yun ng Maykapal.

Namangha ako sa mga nakahilerang magigiting na kawal na nagbabatay sa daan. Ang lahat ng tao kung hindi man kasama ay may kasiyahang nag aabang sa tabi ng daan. Ang lahat ay nagtitipon at nagsasaya sa maraming biyaya.

Sa Santa Misa ay ipagdiwang, ipagpasalamat ang espesyal na araw. Matapos pagsahulan ang sakramentong banal,muling nag imbita ang mga opisyal-- kasalo ang Obispo, mga general at ang lahat ng magigiting na kawal. Sa saliw ng masayang tugtog ng banda pinagsaluhan ang handa. Oo nga pala, ito ay fiesta ng ating Mahal na Ina.
Viva la Virgen!

[words woven from the stirrings within after a heart-warming outreach activity.
AdNU Tercentenary Outreach Program, September 2010]

No comments: