Starbucks—isang lugar na paborito ko sa buong mundo. 2004 ng mahilig ako sa kape. 2005 ng magsimula akong mag kolekta ng starbucks tumblers. Pero ang pinakagusto ko sa lahat ay ang kwentong starbucks kasalo ang mga pusong nakikibahagi nito. ‘Di mabilang, ‘di makalimutan, yakap ng isipan—ang mga kwentong starbucks na nailatha sa buhay ko--
► Marami at makulay na kwentong starbucks kasama ni summer
► Mga kwentong starbucks na takas sa dilim at tanghaling puslit kasama si sunshine
► Up to sawa na kwentong starbucks kasama si computer wizard
► Q and A kwentong starbucks kasama si manila girl at tumbelina
► Lovefilled kwentong starbucks kasama ang beloved twins towers at donya
► Makabuluhang kwentong starbucks kasama ang mga kaibigang reserved at may belo.
► Comedy at walang kupas na kwentong starbucks kasama ang very old friends.
►Relaxing at usapang puso, kwentong starbucks kasama si strawberry at mga kaibigan.
► Masaya at walang katulad na kwentong starbucks kasama ang witches.
Inaabangan ko ng buong galak na mahabi ang kwentong starbucks kasama ang anim na napiling mga kaibigan [kung sa tingin mo isa ka dito, sabihin mo lang kung kelan ka pwede at treat ko ang starbucks coffee mo :-)]—-
► Siopao’s Suitor—ganyan talaga pag nagmamahal, may luha at pait, tanggapin kasi dakila at wagas ang iyong pag-ibig. Nandito lang ako kakampi at karamay. Masaya ako bilang ate mo.
► Accidental Angel—Salamat sa mga oras ng pagsama at pagdamay. Sa minsanang mga araw ng luha at gabi ng pagkabalisa salamat at nariyan ka. Sana makatulong rin ako sa proseso ng buhay mo. Panalangin ko na sagutin Niya ang lahat mong dasal.
► Mysterious George—matagal na kitang kakilala pero hanggang ngayon misteryoso pa rin ang iyong buong pagkatao, inaabangan ko ang malalim at seryosong kwentuhan kasama ka. Minsan ka lang tumawa pero lubos mo akong napapasaya.
► Ms. Big-Time Dubai—matagal na tayong ‘di nagkikita at sobrang miss na kita. Sana malapit na ang oras ng pag-uwi mo gusto na kitang makasama.
► Best Marigold—sa panatag at payapang puso at isipan ikaw ang kakwentuhan, isang pagdiriwang para sa biyaya ng magandang pagkakaibigan. Salamat sa lahat, ate ko.
► Mr. Cannon—sa mga taon na hindi tayo nagkasama, nananatiling kaibigan kita. Salamat at malapit ka na, sana madalas na kitang makasama. Hangad ko na lubos kang maging maligaya at dasal ko ang hiling ng iyong puso.
Hangad ko rin na madalas makasama sa kwentong starbucks (pero hindi ko na ito libre, hahaha)ang mga tao na minsan nang naging bahagi ng kwentong kape ng buhay ko.
► Buko juice society (para maiba naman, try natin ang kape, baka malasing din tayo)
► The pigs (tara at magpakalunod tayo sa tawa at saya, patuloy ang baboik life!)
► Dr R at residents of pooh (old and new) kasama si marigold at maya.
► Witches, warlocks and kids (bagong lugar sa ika 14 na taon ng ating pagkakaibigan)
► Lovelines (to the moon and back I held you close to my heart)
► tcb* buddies at mga gintong kaibigan sa ateneo
► Hairbrush, lolas&boylets at mga piling kaibigan na natagpuan sa landas ng buhay.Sana maulit ang kwentong starbucks namin ni summer, sunshine, computer wizard at super B.
Masaya akong nag-aabang na sana ang bawat tasa ng kape ay magbigay daan upang maipanganak ang bagong kwentong starbucks, pwede ring balikan ang mga kwentong matagal nag ‘di napag-usapan at dugtungan ang mga kwentong nalampasan lagyan ng katapusan.H
anda na ako at ang aking puso, makibahagi kasama mo at ang kape..
One choco chip frap for applethea
5 comments:
i cant help but smile sa entry na ito.. its so nice to read words that speak of friends and friedships.. on one hand, i am sad again.. (hehe.. lagi naman pala..) sad because, darn again, i miss everyone..
i believe i have had 2 starbucks moments with you.. and whats really so great about it, they were both in my favorite place... baguio..
i remember that first starbucks when we had our trip to baguio.. tumakas tayo from teachers camp.. and the next starbucks was just last summer.. haha.. nagka tension pa kayo ni felix..
but as much as i want to have coffee with you, you know i cant because i dont drink coffee anymore.. haha.. coffee makes me bluer than blue.. but still, pwede pa naman sumama ang just have a different order right?
after all, hindi lang namam yung tumbler mo at yung coffee ang habol mo di ba.. i believe more than anything else, it is still the company and the stories we share..
looking forward to that day..
flavored steamed milk and roasted vegetable panini for mya please..
love this post ate. promise! one of the best i read. love it, sobra!
alam ko kung saan ako kasama, pero sana pag nagstarbucks tayo, treat mo ko, hahaha. di pa ko nagwowork eh. malapait na. and may target na ako sa adnu. hehehe
kung ikaw ate, mga kwentong starbucks. ako, okay na sa akin ang kwentong pag-ibig kahit saang lugar pa yan.
really determined to be a wedding planner, and ako dapat ang kunin mo para sa kasal mo ha.
looking forward sa isang kwentong starbucks with ate thea.
sana makasama ko rin si yellowcab pagpunta namin sa new-wrold niya.
@yellow cab: oo nga pala, pareho sa baguio yung kwentong starbucks natin (city escape ko rin ang city of pines)...
true, i love starbucks and the collectible tumblers but what i love more is the company i am with in every kwentong starbucks...
next time na magkasama tayo at meron starbucks (dito, dyan o sa baguio) we'll make sure to have the 3rd kwentong starbucks.
miss you. smile naman dyan kahit minsan lang.
@myloves:hahaha treat ko(next time, baka maksama ka na dun sa anim hahaha... may target ka na pala sa adnu (sana hindi naman yung post ko ha)
masaya ako sa plan mo na maging wedding planner (pero wag ka umasa na mgaing client mo ako baka malugi ang negosyo) pwede akong maging part ng wedding team mo (kumikitang kabuhayan yun di ba)
looking forward din ako sakwentong starbucks kasama ka (kkb ha)
don't worry, di naman post mo ate. overs! oo nga, kabuhayan din yan. basta, magkakaron tayo ng kwentong starbucks. looking forward to it. really wanted to spend time with you ate, at sa'yo din yellowcab. smile naman diyan. :)
@heartbeats.. mm.. napangiti ako sa utos mong ngumiti ako.. :) sige, aabangan ko ang araw na yun.. punta ka naman dito di ba... o kung hindi, sabi ka lang, tatakas tayo papuntang pines..
@simplixiety.. oo nga pala, you mentioned yesterday bout wedding planner.. ako ang two other friends were trying to start an event planning business before.. nag wedding planner din kami, pati surprises ng mga bf sa gfs nila, and wedding proposals din.. it really felt so good arranging events like those.. unfortunately, may kanya kanya kaming career din kaya di namin natutukan.. pero sige lang, aside sa kabuhayan, mas masarap maging witness sa mga kwentong ever afters.. kaya naman tingnan mo ko, pati mag witness ng kasal ng di ko kaano ano, pinupuntahan ko.. hehe.. new hobby ko yun..
adnu pala ha.. mmm...
Post a Comment