Sunday, August 22, 2010
stop over
Hindi mawawala sa byahe, lalo na yung malalayong paglalakbay. Para saan nga ba ang stop over?
Maka pagpahinga ang sasakyan.
Tugunan ang panawagan ng kalikasan.
Punan ang kumakalam na sikmura.
Ipikit ang inaantok na mata.
Ituwid ang mga paa.
Bumili ng pasalubong.
At kung ano pa man.
Dapithapon, nakaupo sa isang sulok ng McDonalds habang naghihintaysa inorder na cokefloat at fries, naitanong ko sa aking sarili ano nga ba ang stop over sa buhay ko?
Marami nang stop over ang napagdaanan ko.
Stop over para itanong sa sarili, nasa tamang landas ba ako?
Ito ba ang pangarap ko?
Masaya ba ako sa ginagawa ko?
Stop over para pakingggan ang saloobin ano nga ba ang makabubuti?
Alin ang nararapat piliin?
Ano ba ang tamang gawain?
Stop over para manahimik.
Balikan ang nakaraan, matuto ng mga aral sa karanasan.
Mag-alay ng pasasalamat.
Magplano ng kinabukasan.
Manatili, magdasal at magnilay.
Huminto at hayaan ang sariling umiyak sa pagkabigo.
Maging masaya at ipagdiwang ang munting tagumpay.
Mamahinga sandali upang magkaipon ng lakas.Hay… ito marahil ang mga dahilan sa mga stop over ng buhay ko.
Ikaw ano ang kwentong stop-over mo?
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comment:
maraming stop over sa buhay ko... pero madalas, hindi ko masyadong nabibigyang pansin ang halaga nito.. kapag may stop over, 2 lang ang maaaring nasa isip ko.. ang patutunguhan ko, o ang pinanggalingan ko..
halimbawa ang mga stop over ng bus, either i think of what awaits me home, or think of going back instead.
pero alam kong may papel ang stop overs sa buhay natin.. kagaya ng mga footbridges na inaakyat ko araw araw, alam kong may papel din sila sa buhay natin..
sa ngayon, wala muna ang stop overs sa buhay ko.. ayaw ko muna ng stop overs.. para kasi saakin, stop overs can bring me to relapse.. worst, it may get me stranded.. mahirap masyado..
nag sulat si via yang ng relapse.. sinagot ni m.l. ng stranded hearts.. nag sulat kang stop over.. sige, sasagutin kita ng footbridges..
hay...
super hay..
Post a Comment