Tuesday, March 13, 2012

ikaw na

May naibahagi ako kay kuya ilong ranger na kwento. Tuwang-tuwa sya at halos 'di na makahinga (imagine sa ilong nyang yun, kinulang ng hangin hehe). Ako din ang puso ko 'di lang lumulukso parang drop fall ang feeling. Hindi ako kinikilig, major major super duper kilig.
Nag sulat si kuya ng tula s fb, feeling ko masyado api yung isang character, kaya gumawa din ako ng tula bilang kasagutan.

para kay George, ang IKAW ni Via
waaah

Ikaw
Na sa isang sulyap lang, hatid ay kiliti sa aking puso,
Ngiti lang mula sa’yo buo na ang araw ko
At saglit na panahon ika’y maka-usap parang ako’y nasa ulap…

Ikaw
Na sobrang tahimik at ‘di masyado palakaibigan
Ang ugali at personalidad mo na kakaiba
Bihirang tumawa at hindi mahilig gumala…

Ikaw
na kapag kasama ko--
may kakaibang tibok ang aking puso
may bighaning taglay na sorpresang nararamdaman
ngunit sa mahika mong dala, ang puso ko ay sobrang masaya…

salamat sa ligayang hatid mo sa buhay ko
'di ako magsasawa, sana manatili kang--IKAW.

2 comments:

Ako Si Nikki said...

very kirs lang ang peg... tama yan.. kirs lang.. no commitments.. :) haha... :)

sisay man si george... ika bisto mo si dreamcatcher ko... lamang ka na naman.. :)

Via Yang said...

hahaha SF na SF lang ta dai ko maanalyze and marationalize...
dont worry maaaraman mo din next time na magkahilingan kita...
miss you MYA, be brave to love hahahaha