Thursday, February 10, 2011

f*ing

ngiti sa labi
na hindi mapigil
at walang mapagkublihan.

kiliti sa puso
na may kakaibang pakiramdam
tila ba bumabalik ang mga nakaraan.

Kumusta ka na?
Saan ka na nakatira?
May asawa ka na kaya?
O baka dalaga at malaya?

ginugunita ko yung unang pakikita
sa isang seminar
ika’y napagmasdan
at nabighani ng kagandahan.

nadaan din sa isipan ang mga awitin ng kahapon
ano na nga ba ang tono noon?
marahil ang mga tugtugin ng gitara
ay muling maaalala kapag nakita kita.

naalala ko yung kwento ng ice cream
hay, bakit may mga paru-paro sa aking tiyan?
at sa tuwing kakain nito
may nagugunitang kwento tungkol sa’yo.

ngiti sa labi na 'di mapigil
sa mga text na tila kay sayang basahin
may kakaibang mahika
ang dala sa damdamin.

may kiliti pa rin sa puso
kahit kay tagal lang panahon ang lumupas
bakit tila ang mga alaala mo
at hindi kumukupas?

hahayaan ko na lamang ito
hindi na ako masyado magtatanong
at baka ang pag-uusap ay saan pa humantong.

ngiti sa labi
kiliti sa puso
hay, san nga ba pwede ihambing
ang spark na dala ng isang ka fling?

(like what i told you these are the moments of sparks and tickles. feel it. enjoy it, but never forget the deepest desire of your heart and your greatest love. dwell in this moment, D.E.)

2 comments:

Ako Si Nikki said...

ay wow.. hehe... i heart you pare din ang hangin dito.. :)

shexplanation said...

may naalala ka ba nung binigyan kita ng ice cream kahapon? hehehe