Friday, August 13, 2010

Moon story three


May mga gabi na wala ang buwan. Kapag tumingala sa langit tanging mga tala lamang ang naaaninag sa karimlan. Nakakalungkot may kulang.

Nasaan kaya ang buwan?
Sa kanyang pag-iisa ano kaya ang kanyang pakiramdam?
Panatag kaya siya na walang kasama?
Sa pagkabalisa nagnanais din kaya siya na may makausap?
O baka may pumapatak na luha sa kanyang bawat pagkurap
?

subalit pwede namang

Masaya siya na mag-isang nagmumuni-muni?
Niyayakap niya ang makahulugang sandali na maupo sa isang tabi at pagmasdan ang mga pangyayari?
Maaari naman na may ngiting gumuguhit sa kanyang labi tuwing naaalala ang mga masasayang gunita?
O sa katahimikan malayang tumitibok ang kanyang puso at nararamdaman ang kalayaan sa bawat paghinga?


Alam ko ang ganitong pakiramdam.
Ang lungkot at saya sa pag-iisa.
Ang paghahangad at kapanatagan habang nasa isang tabi.
Ang luha at ngiti habang nagtatago.

Ramdam ko ang ganitong damdamin sapagkat sa mga oras na gusto ong mapag-isa, manatili sa isang tabi, magtago…

Ang pinaka medaling paraan ay magsabi na
Ako ay nasa buwan



[august’s moonless nights. in silence. embracing the solitude. waiting]

3 comments:

Ako Si Nikki said...

@hearbeat..

alam mo bang kahit yung artificial moon ko last week pa walang ilaw? augusts moonless nights din dito..

nasaan nga ba ang buwan ngayon? ewan ko kung nasaan siya.. baka natabunan ng mga ulap at paparating na december air..

pero hayaan mo, nag hihibernate lang yun.. buti na rin yun, para mas makita din ng iba ang mga bituin..

sabi nga sa akin ni bolang de kanto, kahit di niya nakikita ang buwan, alam niyang nandyan lang yan..

via yang♥ said...

Haist...

oo nga, nandyan lang ang buwan
sa isang sulok, sa isang tabi
tama, mas makislap ang mga tala
pero nanatili ang sa puso ko
buwan ang gustong makita...

toinks...
sa ngayon lulubusin ko
ang pahanon at oras
sa piling ng bola...

hay...
oo nga naman
baka aking makalimutan
ang buwan ay bola
ang bola ay buwan...

Ako Si Nikki said...

palitan na muna siguro..

ang araw ay bola..
ang bola ay araw..

hahaha..