Monday, August 16, 2010
ballgame
ano ang mas mainam
ang kasama ka na pilit tinatago ang pakiramdam
o malayo ka na ‘di mawaglit sa isipan?
ano ang mas madali para sa tulirong puso
mang-iwan para malimot ng lubusan
o maghintay na ikaw ay iwanan?
ano ang mas mabuting gawin
sabihin lahat na nasa damdamin
o kung makagugulo lamang patuloy na ilihim?
Tatlumpong araw na akong nagtatanong
hanggang ngayon,
bola ano ka nga ba?
Mag isip.
Makiramdam.
Magnilay.
Magdasal.
Magmasid.
Hayaan lang.
Huwag pigilan.
Yakapin ng buo ang pakiramdam.
Pakinggan ang tibok ng puso.
Tulutang dumaloy ang luha.
Ibigay ang sarili sa bawat ngiti.
Patuloy na magtanong.
Maghangad ng kasagutan.
Magdasal, magdasal at magdasal.
Panghawakan ang katotohanan
ang lahat lilipas lang
darating ang araw
lahat ay maiintindihan.
sige lang, sige lang
tuloy ang laban
ang bola ay buwan
ang buwan ay bola.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
3 comments:
ang bola ay araw.
ang araw ay bola.
gusto kong paulit ulit na sabihin ang mga naisulat mo. sige lang, sige lang.. magpatuloy.. maghintay.. magnilay.. maghangad.. magdasal..
darating ang araw, maiintindihan lahat..
maghangad.. hayaan.. tulutan.. pakinggan.. yakapin.. panghawakan.. sige lang.. sige lang..
naiiyak na naman ako.. natutuwa na nasasanay na akong mag isa.. pero nalulungkot din dahil di kayo kasama..
pero sige,
sige lang, sige lang..
sa ngayon, masaya talaga ako na kahit sa paraan lang na ito, nararamdaman ko na nandyan kayo..
@ yellow cab
ramdam ko ang abwat kataga na isinulat mo. batid ko ang ang tibok ng aking puso ay hindi malayo ng sa'yo.
sige lang, sige lang
tuloy ang laban.
ang bola ay buwan
ang buwan ay bola.
game on!
lalim nyo talaga kung mag-usap.
buntong hininga.isang malalim na buntong hininga.
think im in the game.
and im afraid to be on it.
not yet ready.
Post a Comment