Tuesday, July 27, 2010

Moon story one





Nakalipas na ang mag hapon na puno ng biyaya. Masaya ako na nakasama ang siyam na mortal na namuhay at umibig dito sa lupa. Nakibahagi ako sa mga grasya na kanilang nakamit. Narinig ko ang mga kwento ng kanilang mga naging pagsubok at masaya akong makita kung gaano sila puno ng pag-asa sa bagong panimula. Pero bakit may lungkot pa rin sa aking puso na di ko mawari kung saan nagmumula?

Dapithapon na naman.
Masinagan ko kaya ang buwan?
Masaya kaya siya?
Kapiling niya kaya ang kanyang tala?


Kanina pa kami ng anghel na kasama ko dito sa hintayan ang tagal dumating ng aming kaibigan. Matapos ang mahaba at masayang kumustahan ng mga kwento ng maghapon, tahimik kaming nagmasid sa kawalan. Tila ninanamnam ang kapanatagan na natagpuan dito sa isang sulok ng magulong mundo.

Sa katahimikan ng pagmamasid sa mga kaganapan sa kapaligiran aking nasilayan ang kalangitan. Naroon ang buwan nag-iisa sa kalawakan na nababalot ng pagbabadya ng pag-ulan. Sa likod ng buwan ,sa dako roon, pero di naman kalayuan nandoon ang tala, nag iisa.

Lalo akong nalungkot sa tanawing aking nasilayan.
Bakit parang magkagalit sila?
Sa gitna ng malawak na langit bakit di sila magkasama. Bakit?


Ang sabi ng anghel sa tabi ko--ganoon talaga minsan kailangang mapag isa. Makapag isip. At subukan ang lakas na tuparin ang landas kung ano ba talaga ang importansya ng mga bagay na mahalaga.

Ang hirap noon, mas nalungkot ang aking puso. Ako ay napa buntong hininga… pero sana nga ganoon. Sana nga..♥

1 comment:

Ako Si Nikki said...

ei tei.. alala ko ang gabing yan.. nakita ko nga silang magkalayo nung sabadong gabi.. nakaka baliw isipin na nasa isang kalawakan lang sila, pero di pa rin sila magkasama..

at dun sa sagot ng kaibigan mo, nalungkot din ako.. napa buntong hininga din ako..

hai.. i also wrote a blog entry on this.. check mo na lang..

siguro nga, minsan kailangan magkalayo muna,.. sa kung anong dahilan, di pa din maintindihan ng lubos ng puso ko..