Thursday, May 6, 2010
Relapse
Akala mo okey ka na. Buo na ang desisyon mo. Okey lang na wala na. Nakamit mo na ang grasya matapos ang mahabang dasalan. Tuyo na ang panyo paglipas ng maraming beses na pag hugas ng mata sa walang katapusang pag buhos ng luha. Yun ang akala mo…hanggang sa--
Relapse.
Natatangi o isa sa maraming “stop over” sa proseso o mahalagang kwento sa buhay ng tao. Siguro ang relapse ay isang paalala na meron ka prosesong pinagdaraanan, pakikibakang ninanais panalunan o bahagi ng paglalakbay na nais nang lampasan.
O pwede din marahil na maging dahilan upang--
♥ Maghintay sa nakasanayang pagtawag niya sa telepono
♥ Gamiting muli ang dating number baka sakaling may mag text
♥ Muling maramdaman at sabihing gaya ng dati “ikaw pa rin”
♥ Palayain at sabihin ang katotohan sa puso na-- mahal mo pa rin (dahil first love o true love)
♥ Balikan ang nadamang pait at hapdi sa dibdib nang wala na sya
♥ O kaya muling umasa na baka maulit pa o baka naman may magbago
Ang mga masidhi bang pakiramdam at pagnanais sa relapse--
♥ Ay sadyang bang pagsubok kung talagang okey ka na at kaya mo nang pangatawanan ang mga desisyong pinag tibay ng maraming dasal. Kaya nang yakapin ang mga realizations na maraming beses mong iniyakan. At muling subukan ang tatag ng damdamin at katapangan ng puso.
♥ Pwede din sigurong tingnan na ito ay regression matapos ang partial recovery, pero okey lang din yun kasi pansamantala lang naman (sana din ay tumagal) at patuloy pa rin ang gamutan hanggang sa tuluyang maghilom.
♥ Ito ay isa marahil na backslide after an apparent improvement… siguro para mas maging sensitibo at desidido na mag patuloy sa paghakbang papalayo gaano man kahirap sa puso.
Ano pa man ang kahulugan at pakiramdam mo sa relapse.. bahagi pa rin ito ng buhay gaya ng paghahangad, pagtataya at pananatili. Alam na ng puso ko at ng puso mo-- na bago lubusang magpalaya mahalaga na pag daanan ang importanteng paglalakbay -- ang relapse.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment