Tuesday, May 8, 2012

Dear You,

Alam ko na maraming beses na kita initaboy, hindi pinansin at ipinag walang bahala. Gaya ng dati, nariyan ka pa rin.
Nanatiling nagtatanong kung kumusta ako. Walang sawang nagpapaalala sa mga mumunting bagay na kadalasan ipinagwawalang bahala ko. Hindi napapagod na mag antabay ano man ang kwento at kakaibang nangyari sa araw ko. Nagtatanong ng mga tanong na minsan mahirap matanto, napapaisip tuloy ako. Kadalasan naman ngiti ang dala ng mga sinasabi mo.
Marahil ilang buwan na rin ang lumipas simula ng umpisahan natin ang paghabi ng kwento ng ating buhay. Hindi ko alam kung paano nangyari. Aaminin ko unti-unti mong binago ang ikot ng mundo, para bang ipinakilala mong muli ako sa aking sarili at hinayaang yakapin ng buo ang mga nangyayari.
Mahirap magbago ng perspektibo lalo na kung ang patutunguhan ay hindi alam at walang kasiguraduhan. Lalong mahirap kasi alam kung masaya na ako dati pa at ang imbitasyon para maging mas masaya ay hindi ko kilala. Siguro ito ang tawag ng panahon sa akin at sa grasya ng Panginoon ikaw ang hinayaan nyang makasama ko sa ganitong pagkakataon.
Paumanhin kung minsan tamad ako makipagusap, may pagkakataon na mataray at malamig makitungo. Mahirap yakapin ang mga pagbabago, lalo na sa akin na matigas ang ulo. Salamat sa pasensya at walang patid na pang unawa.
Sa ngayon hindi ko pa alam ang musika ng aking puso, pero salamat sa mga awitin mo. Hayaan mo sa mga darating na mga araw, malalaman ko rin at mapangangatawanan ko rin ang aking desisyon at tugon. Sana ay patuloy kang nariyan, malay mo---maging tayo. Hahaha! ♥, Via, SF

4 comments:

Ako Si Nikki said...

naks... haha.. this is so SF... sige lang.. mabuhay ka!!!

Via Yang said...

hahaha ikaw din SF ka.
miss you achi *hugs*

savouringshe said...

huli ka! hehehhe.
sana, sana, san :)

via yang said...

hahaha
ate she
sana
sana
sana nga
hahaha