Friday, July 22, 2011

young l♥ve

Gaya ng dati, pagtunog ng kampana sa dapit-hapon
ang aking mga yapak ay unti-unting tinatahak ang daang palagian ng binabaybay.
Patungo kung saan umaawit ang kampana, sa Kanyang dambana.
Kaunti ang mga tao sa simbahan, tahimik at taimtim ang mga dasal.
Bago magsimula ang pagdiriwang, nakuha ang aking pansin ng isang batang lalaki
na mag-isang naglakad papasok at umupo sa unahan.
Siguro siya ay mga walong taon gulang at pula ang Tshirt nya (baka birthday).
Habang nagmimisa, nandoon din sya sa isang sulok ng simbahan, nakikilahok sa Sakramentong banal.
Sa aking pag-iisa napangiti ako ng makita ko siyang pumila sa pagkumonyon, may saya sa aking damdamin ang masilayan siyang lumuhod at seryosong nananalangin.
Sa aking pagdarasal aking nabanggit, Panginoon, pakinggan Mo po ang panalangin ng batang ito. Sana sa bawat sandali ng kanyang buhay maramdaman niya ang Iyong pagmamahal at yakapin niya ito ng buo.
Nang matapos ang misa, sinundan ko siya ng tanaw habang palabas ng simbahan.
Inaabanagan ko na lalapit siya sa kanyang nanay o sinuman ang kasama niya, pero humanga ako lalo ng makita ko siyang sumusipul-sipol palabas ng simbahan papunta sa gate, walang kasabay.
Muli kong nabanggit sa king sarili, Lord salamat ha, sa muling pagpapaalala, na ang pagmamahal mo sa akin at ganoon din sa iba. Masaya ako na makita yun ngayon, sa mukha ng isang bata.

Wednesday, July 13, 2011

*hugs*


salamat sa mga mata,
na nag magmulat sa akin sa kagandahan ng mundo.
salamat sa pang-amoy,
na naging daan upang malanghap ang halimuyak ng hangin.
salamat sa pandinig,
na naging tulay upang marinig ang saliw ng musika.
salamat pakiramdam,
na nagpadama sa akin ng tibok ng aking puso.
salamat Panginoon
sa mga biyayang pinagkaloob mo sa akin
at sa paglikha ng aking pag-katao upang maging Sa'yo.

thank you for the everyday miracles and angels
love mo talaga ako Lord,
at love din kita.
*HUGS*

(prayer 07.13.11., 5pm mass, Christ the King Churc, AdNU)

Thursday, July 7, 2011

112


hello sunshine...
hindi mo lang (siguro) alam
kung gaano mo ako napapasaya
sa mga simpleng bagay
sa ordinaryong pag-uusap
sa nakasanayang ugnayan
tuwa talaga ang dulot mo sa akin
pati kilig na rin
kaya ang puso ko nakangiti
at tila may kakaibang kiliti
ang humahaplos sa aking damdamin
sa tuwing iisipin ko na ika'y nariyan
salamat ha...
(hanggang sa muli ha ♥♥♥)
toinks!