Tuesday, May 10, 2011

basta

Sa tuwing tayo'y magkakalayo
Hindi matahimik ang puso ko
Bawat sandali hanap kita
'Di mapakali hanggang muling makita ka
Dahil kung ika'y makita na
Labis-labis ang tuwang nadarama
Magisnan lamang ang kislap ng iyong mata
Kahit ano pa ay kakayanin ko na

**Basta't kasama kita
Lahat magagawa
Lahat ay maiaalay sa'yo
Basta't kasama kita
Walang kailangan pa
Wala nang hahanapin pa
Basta't kasama kita.

Giliw, sana ay ikaw na nga
Ang siyang mananatiling kasama ko
Dahil kung ika'y mawawala
Pati lahat sa buhay ko'y maglalaho

Repeat**

Walang kailangan pa
Wala nang hahanapin pa
Basta't kasama kita.


luma na ang kantang 'to. korni rin kung iisipin. pero kamakailan lamang ay nakuha ang atensyon ko ng muli ko itong marinig(dun sa korean teleserye na secret garden hahaha). ewan ko ba kung bakit may kilig at kakaibang haplos sa damdamin ko. para bang may kiliti sa puso ko tuwing naririnig ko ito. pakiramdam na may mumunting kuryente na tumatawid sa aking dibdib at nagdadala ng ngiti sa labi ko. toinks!

siguro dahil, ikaw ang naiisip ko--espesyal ka talaga sa buhay ko.

hehe, excited na ako magvideoke. kakantahin ko ito sigurado.♥♥♥

3 comments:

addicted2love said...

uu nga hmmm love love love ate thei.. kilig to the bones:)

Ako Si Nikki said...

haha..ive always loved that song.. kasi, kanta ko yun sa kanya.. hehehehe..

penelope strohem said...

videoke, you say? count me in! =D