Thursday, March 24, 2011

drama king

Bihasa sa wikang tagalog.
Magaling (daw) magluto (pero ‘di pa ako nakatikim ng luto nya).
Mahilig sa badminton.
Minsan sumasama sa fun run (lalo na pag organize ng “kapatid” o kaibigan hehe).
Masipag at masinop na guro at moderator.

Masarap kakwentuhan.
Talakayan at pag uusap na di matapos-tapos.
Kasabay tumawa.
Kausap sa mga kwentong ‘di maubus-ubos.

Salamat sa mga dapit-hapon na dumadaan ka dito sa opisina para makipag kwentuhan at kumustahan. Masaya ako sa iba’t-ibang kwento mo, walang dull moment. Malalim kang kausap puno ng sense at depth. Amaze din ako sa zeal at passion mo sa buhay. Aliw ako sa pagkabibo mo. Minsan may pagkasuplado ka pero alam ko ika’y nagpapakatotoo. Nakakaaliw ang pagkaprangka, mabiro at seryoso.

Sa mga kwentong dasal, alon o kapanatagan, salamat sa pagbabahagi. Sa drama ng buhay na naikwento mo, marami akong natutunan. Sa mga oras na babad sa buko juice, sa paglibre ng ice cream at pasalubong na spaghetti, sa pagbabahagi ng sarili na kasalo ang kape, sa mga plano at trabahong pinagtulungan-maraming salamat.

Kunting panahon lang tayo nagkasama at naging magkaibigan, para sa akin ‘yun ay makahulugan.

As you go and continue your way bring with you my best wishes and prayers, may you never run out of reasons and strength to love in moments of consolations and desolation. May you remain committed as you embrace this life and nurture your vocation. I will remain to be your prayer warrior. I will miss you my friend. Take care, dear brother. The one and only, Drama King.

2 comments:

Ako Si Nikki said...

hai.. naiyakp naman ako dun.. na miss ko kayo lalo.. teka, we will still have a good hoorah this summer together ayt? lets make sure we have 101% fun.

see you soon! hugs to the drama king!

kampay!!!

heartbeat* said...

yey ate, maybe you got the wrong person in mind :-)

yep, looking forward to the adventure trip this summer :-)

see you soon!