Tuesday, February 22, 2011

ayAW

ayokong lumipas ang mga oras
gusto ko manatili ang bawat sandali
pwede bang hindi umusad ang mga araw
hindi dumating ang bukang liwayway
hindi sumapit ang dapit-hapon
at hindi masilayan ang sinag ng buwan.

gusto ko ang ngayon...
hindi ka akin pero ikaw ay nandyan
hindi hawak ang iyong mga kamay
pero malapit at abot-tanaw
hindi pag-aari ag iyong puso
pero alam ang pakiramdam.

konting panahon pa,
muli na namang mabibiyak ang aking puso
ulit mararanasan ang kawalan at pagkabigo
dahil
sa nalalapit mong paghakbang palayo.

(isang malungkot na tula, katha ang isang kaibigan na nasa gitna ng isang madramang proseso ng usaping puso. Salamat Hope Green sa pagbabahagi ng tula at kwento, hangad ko ang iyong kaligayahan. Nandito lang ako ♥)

1 comment:

Ako Si Nikki said...

hai.. another form of breaking dawn..