Wednesday, September 8, 2010

roadruns



Imulat ang mata.
Ihanda ang sarili.
Pumunta sa tagpuan.
Tara! simulan na ang takbuhan.

Good morning sunshine!
Smile naman dyan.
Maganda ang umaga
at lalo ka na!


Sa bawat hakbang tingnan ang dinadaanan,
pagmasdan ang nangyayari sa kapaligiran.
Sa tuwing paghinga ng sariwang hangin,
dampi ng biyaya ay langhapin.
Sa pagtahak ng daan sa paroroonan
buksan ang kaisipan
pakiramdaman ang damdamin
ang puso ay palayain.

itaas ang mga bisig
biyaya ng bagong araw
tanggapin
yakapin.

Masaya ang buhay
ipagdiwang--
tuloy ang takbuhan
hanggang finish line!

(Nahabi matapos ang napakalayo at masayang jogging. Para sa mga kaibigan at mga anghel na nakasabay, nakakasama at makakakapiling sa roadruns. Cheers to you—SunshineOriginal, Suitor, Strawberry fields, Forever jam, Angel Gabriel and more.)

2 comments:

Ako Si Nikki said...

maganda ang umaga at lalo na ako..
hmm.. gusto ko iyon..

salamat sa araw-araw na paalala na maganda ang buhay at magandang mabuhay..

salamat sa araw-araw na paalala na piliin na muling buksan ang sarili at puso..

salamat sa hangad na piliin ang maging masaya at yakapin ang kagandahan ng bawat umaga..

hayaan mo.. darating ako dyan..

tuloy ang takbuhan..
see you sa finish line..
smiling now..

applethea said...

masarap sa pakiramdam na nagsmile ka ngayon. kahit minsan gumuhit man lang ang munting ngiti sa labi mo. sana dumalas na at umabot na ang kislap ng ngiti sa iyong mga mata. :-)
tuloy ang takbuhan
see you sa finish line!