Monday, August 2, 2010
Moon story two
Natapos na naman ang isang araw ng paglalakbay. Maayos namang naitawid ang maghapon. Sa pagsapit ng isang takipsilim ‘di ko alam ko saan ang daang pupuntahan.
Ano kaya ang bukas?
Paano kaya ang gabi lilipas?
Dumating si Gabriel at nagtanong kung gusto ko kumain? Malamang gutom na ako kaya naman emo. Nakasalubong namin ang maraming kakilala at napadaan sa maraming kwentuhan. Tumigil kami at naghintay sa mga kaibigang makakasama sa hapag kainan. Ang tagal naman kumakalam na ang aking sikmura.
Sa katahimikan…
Ngumiti sa akin ang buwan.
Masayahin akong tao at hindi mahal ang aking ngiti. Ito ay napakamura na halos ipamahagi ko na sa lahat. Siguro ang isa sa pinakamaganda kong ngiti ay naibigay ko sa buwan ngayon. Lubos akong nabighani sa ganda nya okey lang malipasan ng gutom dahil halos makalimutan ko na ang hapunan sa ganda ng tanawing aking nasilayan.
Nag sms ako kay Great Poet na nasa kanluran ng Pilipinas. Natawa ako ng tinanong nya ako kung ano ang buwan ngayon sa akin. Marahil kilala nya ako na ang simpleng ngiti ko ay talagang may pinaghuhugutang malamim na dahilan at siguro duda na rin sya sino ba talaga ang buwan.
Sobrang ganda ng buwan ,lubos niya akong napapasaya .
Pero dahil sya ang buwan ‘di pwedeng angkinin at hawakan
kaya lulubusin ko na lang na siya ay tingnan.
Siguro may mga pagkakataon na ganyan
kahit gaano man na sya gustuhin hanggang tanaw kolang.
Natawa rin ako sa reply niya sa akin ganoon din daw ang buwan sa akin.
Sa bukang liwayway na lang ako magtatanong kung paano ang bukas. Masaya ang gabi at ito na siguro ang paraan kung paano ang dilim lilipas.
Muli akong nabighani sa ganda ng buwan. Kakaiba talaga sya tila ba sa sulyap lang nya ang puso ay dinuduyan sa tuwa.
Napasulyap ako kay Gabriel at ngumiti sya sa akin. Sabi nya masaya talaga ngayon ang buwan. Ang sagot ko, oo alam ko, kasi yun din ang sabi ng aking puso. Malakas na halakhak ang sagot nya sa akin, pero alam ko sya ay kumbinsido.
Muli, ngumiti sa akin ang buwan.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment