Monday, June 28, 2010

FORMULA 1


proximity+consistency+frequency =sweetest downfall

PROXIMITY
Palaging malapit. Abot kamay. Kadikit ng balikat. Magkahalikang mga siko. Meters, feet o inches lang ang pagitan kung sa geographical location pwedeng maging landmark at maging point of reference. Kaya mag-ingat kasi kumbaga sa lindol napakalapit mo sa epicenter.

CONSISTENCY
Napaka regular. Parang kalendaryo na alam mo na ang kasunod ng Marso ay Abril. Parang isang linggo talagang 7 araw lang, palaging Lunes ang simula at palaging huli ang Linggo. Steady kumbaga. Expectable ika nga. Pwedeng asahan kasi ayon sa karanasan reliable talaga.

FREQUENCY
Madalas at malimit. Parang orasan 24/7. Round the clock shift kumbaga. ‘Di lang isang beses o minsan ito yung tinatawag na double-repreated-redundancy-for the nth time-again na style. Paulit-ulit na palagi.

SAKLAW AT LIMITASYON
Ang formula1 ay isa lamang sa maraming formula sa mundo. Ito ay hindi mathematical equation o ano pa man na scientific formula na absolute solution. Ito ay experiential at relative na formula na kung sa reseta ay naaayon lamang sa mga nakaka relate o identify. Hindi ito universal pero ito ay particular.

MGA SINTOMAS:
♥ Siya ay tao na bahagi na ng buhay mo sa araw-araw na tila ba hindi sisikat ang araw sa umaga at wala ang sinag ng buwan sa gabi kung wala siya. Paulit-ulit pero hindi ka nagsasawa.
♥ Madalas kasama exclusive company man yan o hindi. Wala ka nang variety sa mga taong nakakapiling kung hindi siya at siya.
♥ Palaging katext, puro mensahe niya ang laman ng inbox at minsan paulit-ulit mong binabasa. Unlicall na walang putol pag siya ang kausap.
♥ Walang gana sa pagkain pa di siya kapiling.
♥ Sinakop na nya ang diwa mo at nakatira na rin siya sa puso mo.
♥ Kahit sa text lang o tawag sa telepono may kiliti at tuwa na sa puso mo. Ang lahat nyang sinasabi kahit hindi joke tuwang-tuwa ka at bawat detalye ay talagang importante.
♥ Kasama na siya sa mga adhikain at pangarap mo sa buhay at nag eexpect ka din na sana kasama ka din sa mga strategic plans ng buhay nya.
♥ Nag dadala ng saya at kapanatagan sa puso ang malaman na mahalaga ka sa buhay niya.
♥ Inspirasyon siya sa mga ginagawa mo.
♥ Kahit medyo maedad ka na may kilig paring dumadaloy sa ugat mo at nagbibigay dahilan sa puso mong lumukso sa tuwa. Malakas ang spark ika nga.

MGA MUNGKAHING IKAGAGALING:
♥ Pag-isipan kung patungo ba ito sa kaganapan ng lubos na pagmamahalan. Hindi naman sa pagiging assuming pero mahalagang tingnan din ang kinabukasan kasi sayang ang effort kung walang patutunguhan.
♥ Tanugin ang sarili kung nakakabuti ba ito sa pagkatao at tama ba ang landas na tinatahak. Personal growth at growing together ay nararapat busisiin.
♥ Hindi masama ang umibig ng lubos ngunit ang pagmamahal ay malaki ang kaibahan sa katangahan. Maging matalino sa pagpili. Maging matatag sa pananatili. Maging matapang sa pagpapalaya. At bukasan din ang sarili sa relapse.
♥ Hayaan ang sarili na mag-hangad, mag taya, manatili, at magpalaya. Ganyan ang pag –ibig hindi diwa o gawain ito ay buong karanasan na kailangan daanan ng buong sarili, damdamin at isipan.
♥ Maging malaya sa pag-pili at pag mamahal kung masasataktan man dahil sa busilak na pag ibig akuin ang luha at ituring na biyaya.
♥ Palaging magdasal ang tunay na pagmamahal at grasya ng Dios at nag mumula sa Kanya.
♥ Lubusin ang pagiging tao imibig ng totoo.