Monday, December 14, 2009
♥
Sa ilalim ng mga tala ng una tayong magkita
Isang matamis na ngiti nag hudyat ng simula
Nag anyaya upang gumuhit ng ngiti sa labi
Kwentong pag-ibig ay nahabi.
Isang simpleng pagtatagpo
Hindi planadong pagkatataon
Isang taong naghaharap sa pagbabago
At isang pusong nagtatanong.
Sa mga pagkakataon na nag-kausap
Doon napukaw ang mga damdamin
Hindi man ninais at pinangarap
Doon nagising ang mga hangarin
Ang bawat salita ay paanyaya
Lahat ng ngiti ay saliw ng musika
Damdaming natututlog biglang napukaw
Pag –ibig o pag-ibig nga ay ikaw.
Masasayang araw ay nahabi
Nang dalawang puso sa pag-ibig nagpunyagi
Ngunit dumating ang panahon ng pag-pili
Pagkalito, balisa at sawi.
Maraming luha ang dumaloy
dagok sa puso’y kinaya at tinikom
Pag-ibig na wagas dapat bang ituloy
O itigil at pagsumikapang ang sugat ay mahilom?
Maraming araw na ang lumipas
Ang mga pait at luha ay natapos
Marahil tanggap na ang landas
Nang pag-ibig na minsa’y niyapos.
Salamat salamat sa’yo dakilang puso
Matino at wagas na pagkatao
Sa minsa’y nagkasama at nagsuyo
Tunay na nagmahal ang puso.
Hindi man pang habangbuhay ang pagmamahalan
Alam kong wagas at dakila naman
Ang dahilan ng pagpapalaya
pag alay ng buhay at lubos na pagtataya.
Papuri sa Dios sa biyayang handog
Sa pagmamahal at pag irog
Sa pait at lungkot
Lahat ng grasya kahit may takot.
Ngayong mag-kaiba na ang landas
dalangin ng bawat isa’y kasiyahan
Sa puso’y tuwa, isipa’y kapanatagan
Lahat naging makabuluhan.
Ang Dios nga ay hindi maramot
Kasi ika’y sa akin ipinahiram
Ngayo’y isinasauli nang may kasiyahan
Kasi yun ang halaga ng wagas na pagmamahalan.
21.XI.2008y
Subscribe to:
Posts (Atom)