Wednesday, September 23, 2009

cheesinesm series 1


cheesinesm--umaapaw na chessy statements na pwedeng magpatalon ng puso, humaplos ng damdamin at pumukaw ng emosyon. Maaring sabihing corny at emo pero lahat pwedeng makarelate dito-noon, ngayon, bukas, minsan, madalang at madalas.


Sabi nila sayang ang panahon na ibinibigay ko sa’yo. Bakit kelan ba naging kawalan na hayaan ang sarili kong maging maligaya kahit minsan lang?


Hindi ako mapapagod na sabihin sa’yong miss na kita kasi yun lang ang alam kong paraan para maramdaman kong malapit ka at magkasama tayo.


Kapag sinabi kong mahal kita hindi ko sinasabing maging akin ka. Ang nais ko lamang ay maging sa’yo ako.


Ano mang pagkalito ang naidulot ko sa buhay mo--hindi ko sinasadya. Sa anumang pasya na pillin mo, huwag mong ikabahala--huwag mo akong gawing dahilan. Bagkus piliin mo yung hangad nang iyong puso--kung saan ka masaya, sapat na sa akin yun.


Sapat na napapasaya mo ako para masagot ang tanong kung gaano ka kahalaga sa akin.


Hindi ko naman sinasadyang mahulog ang loob ko sa’yo wala lang akong makitang dahilan upang hindi kita magustuhan.